Wika Ginamit Sa Akda Na Elehiya Para Sa Namatay Kong Pag Ibig? ​

wika ginamit sa akda na elehiya para sa namatay Kong pag ibig? ​

Answer:

Lubos kong hindi inaasahan ang kaniyang pagpanaw. Nang huli kaming nagkausap sinambit niya na lalaban pa siya at handa niyang tiisin ang lahat ng sakit. Pinaalalahanan ko siya. “Hindi habang buhay kaya mong kumapit sa mga tangkay na may tinik,” ngunit nabighani siya ng mga rosas, kung kaya’t hindi niya ito alintana.

Kita ko sa kaniyang mga mata ang ligaya na hatid ng rosas. Marami man ang bulaklak sa hardin, mas pinili niya ang mga ito. Rosas na kailanman hindi siya ang pinili. Ngunit hindi pa rin niya ito alintana.

Ilang araw ang lumipas, namumuti na ang kaniyang mga labi. Sabik sa halik, uhaw sa pag-ibig. Muli ko siyang tinanong, “Anupa’y patuloy kang kumakapit?”. Muli, sinambit niya ang hatid na halimuyak ng rosas.

Ang bangong minsan ay gabi-gabi niyang sinusundan. Hindi siya makahakbang ngunit hindi niya hinangad na lumayo. Mas pinili niya ang manatili. Manatili sa mga yakap na tanging braso lamang niya ang nakapulupot. Mga halik na tanging labi niya lamang ang nakadikit. Mas pinili niya ang mga pilit na ngiti, mga halakhak na napapangibabawan ng katahimikan.

Alam kong wala na siyang lakas. At wala na siyang ilalakas pa. Ngunit sa mismong oras na pinili niya ang tunay na kaligayahan huli na ang lahat. Dapat pala ay hindi ako sumabay sa pagod, patuloy dapat ako na nagpaalala. Hindi ko dapat siyang hinayaan na lumaban ng walang sandata kundi puso. Pusong sa mga oras na iyon nawalan na ng tibok; ng mga dugong patuloy na padadaluyin sa mga ugat nito.

See also  Translation Ng Liongo

Mensahe Para Sa Pumanaw Na Ina - mensahe ipinadala

Mensahe para sa nanay na namatay. Mensahe para sa namatay na ina. Namatay ama mensahe aking paalam rizal tatay tagalog

Mensahe Sa Namatay Na Ina

Mensahe para sa namatay na tito. Mensahe para sa kaibigan na namatayan. Tula para sa ina na namatay

Paalam Mensahe Para Sa Ama Na Namatay - Makatang Pinoy Tagalog Poems

namatay ama mensahe aking paalam rizal tatay tagalog

Mensahe para sa pumanaw na ina. Namatay ama mensahe aking paalam rizal tatay tagalog. Mensahe para sa ina sa kanyang kaarawan