Sumasampalataya Prayer Tagalog

sumasampalataya prayer tagalog

SUMASAMPALATAYA  

  • Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.  
  • Sumasampalataya naman ako kay Hesukristong iisang anak ng Diyos,Panginoon nating lahat;  
  • nagkatawang-tao sya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.  
  • Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipanako sa krus, namatay inilibing.
  • Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.  Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
  • Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
  • Doon magmumula ang paririto’t huhukom sa nangabuhay at nangamatay na tao.    
  • Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga santo, sa kapatawaran ng mga kasalanan.  
  • Sa pagkabuhay na mag-uli ng mga namatay na tao. At sa buhay na walang hanggan.  Amen.

SINO ANG NAGDARASAL NG SUMASAMPALATAYA?

  • Ang sumasampalataya ay isang kredong katoliko. Ito ay ang pagpapahayag ng paniniwalang kristiyano mula noon hanggang sa kasalukuyan.

Ano ang sumasampalataya:

brainly.ph/question/1668380

brainly.ph/question/441795

ANO ANG DASAL?

  • Ito ay ang pagbanggit ng mga salita nang taimtim patungo sa Diyos na pinaniniwalaang tagapagligtas sa lahat. Maaring ang dasal ay nagpapasalamat, humihingi ng tulong, humihingi ng tawad sa pinakamataas at makapangyarihang Diyos ng lahat.  
  • Hindi lahat ng dasal ay pare-pareho may mga dasal na sinasaulo o dinadasal ng paulit-ulit kagaya ng sumasamplataya na dasal.
  • Mayroon din naming dasal na ang tawag ay pananalangin kung saan hindi ito inuulit-ulit at biglaan ang pagsambit ng pangungusap.

brainly.ph/question/1503100

BAKIT NAGDARASAL NG SUMASAMPALATAYA?

  • Ang dasal na ito ay kasamang dinarasal sa santo rosaryo. Ang santo rosary ay  binubuo ng mga misteryo na dinarasal na ginagamitan ng rosaryo, isang kasangkapan sa pagdarasal na binubuo ng krus at mga butil na pinagugpung-ugpong. Dinarasal ito para sa Mahal na Birheng Maria.  

BAKIT NAGDARASAL ANG MGA TAO?

  • Nagdarasal ang mga tao sapagkat ito ang paraan ng kanilang pakikipag-usap sa Diyos.
  • Ito din ang paraan kung ang isang tao ay gusting magpasalamat, humingi ng awa  at magpuri sa Diyos.

See also  Read The Passages And On A Sheet Of Paper, Put The Information From Each Passage Into...