Gumawa Ng Tula Tungkol Sa Mga Karapatan Ng Batang Pilipino. (please Guys, Answer My Ques…

Gumawa ng tula tungkol sa mga Karapatan ng Batang Pilipino. (please guys, answer my question I’m begging you, this is very IMPORTANT)

Tula Tungkol sa mga Karapatan ng Batang Pilipino

              Nais ko

                       I

Nais kong isilang at mabigyan ng pangalan

Nasyonalidad na minimithi ng karamihan

Layon ko ang buhay na may pagkakilanlan

At katutubong bansa na aangkinin

                     II

Nais ko ng payapang tahanan

At pamilyang mag-aaruga at mang-aangkin

Sa aking musmos na isipan

Kalinga at pagmamahal ay ilaan

                    III

Nais ko sa lugar na walang gulo

Payapa at walang nagtatalo

Pangangalagaan at kakalingain ako

Kay sarap mamuhay ng ganito

                     IV

Nais ko ang sapat na pagkain

Nawa’y igawad sa akin yaring kalusugan

Upang makamit aktibong pangangatawan

Ng sa sakit katawa’y hindi pasukin

                    V

Nais kong makapaglaro kahit minsan

Ng makapaglibang yaring paslit na isipan

At humalakhak kasama yaring kaibigan

Anong saya yaring katawa’y pinapawisan

                    VI

Nais ko ng sapat na kaalaman

Nawa’y edukasyon ay makamtan

Ng matiyak yaring kinabukasan

Oh tagumpay ako’y iyong yakapin

                   VII

Nais kong umunlad yaring kakayahan

See also  Write A One Or Two Sentence About The Unforgettable Moments To Experience During Ty...

Ng mahubog tungo sa kasanayan

Itong munti kong katawan

Nanabik sa hubog na kaunlaran

                   VIII

Nais ko ng proteksyon sa pang-aabuso

Nawa’y yaring panganib ay lumayo

At ng karahasan ay kumilos ng patakbo

Oh banal na pag-iingat ng Dios ako’y liparin mo

                       IX

Nais ko ng tulong mula sa pamahalaan

Nawa’y ang pagtatanggol ay laging igawad sa akin

Ng makaranas ng pagkakapantay pantay sa lipunan

Lagi kong hiling ang matamis na ngiti ng kapalaran

                            X

Nais ko ang magpahayag ng may kalayaan

Yaring saloobin ay palaging bigkasin

Sa lahat ng tao nawa’y ako’y pakinggan

Igawad sa musmos yaring karapatan  

Para sa karagdagang impormasyon maaaring magtungo sa link na nasa ibaba:

https://brainly.ph/question/349681

https://brainly.ph/question/1021278

https://brainly.ph/question/1381981

#LearnWithBrainly