Tungkol Saan Ang Anti-Violence Against Women Act At Magna Carta For Wome…
Tungkol saan ang Anti-Violence against Women Act at Magna Carta for Women?
Answer:
Ang Anti-Violence Against Women ay panukalang batas na ipinasa ng Kongreso noong Pebrero, 2004. Nilalayon ng batas na ito na tugunan ang laganap na pang-aabuso sa kababaihan ng kanilang mga intimate partners, kabilang ang dati o kasalukuyang asawa, live-in partner o boyfriend o girlfriend. Sa maraming pagkakataon, nadadamay din ang mga anak ng babae sa pang-aabuso kung kaya’t ito rin ay kasamang tinutugunan ng batas. Ang Republic Act 9710 o kilala din sa tawag na Magna Carta of Women ay isang batas para sa proteksyon ng karapatan pantao ng mga kababaihang Pilipino at naglalayon na tanggalin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon, lalo na sa mga kababaihan na marginalized o mga babae na bahagi ng mga sektor na hindi nabibigyan ng wastong representasyon sa lipunan. Ang Anti-VAWC Act o ang Republic Act 9262 ay pinirmahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Marso, 2004.
Sana makatulong