SUMULAT NG ISANG TULA NA TUNGKOL SA ALINMANG PAKSA: 1. PAG-IBIG SA KA…

SUMULAT NG ISANG TULA NA TUNGKOL SA ALINMANG PAKSA:

1. PAG-IBIG SA KAPWA

2. PAG-IBIG SA KAPALIGIRAN

3. PAG-IBIG DIYOS

4. PAG-IBIG SA MAGULANG

5. PAG-IBIG SA BAYAN

KINAKAILANGANG ANG TULA AY:

1. MAY APAT NA SAKNONG NA MAY TIG-APAT NA TALUDTOD

2. MAY SUKAT AT TUGMA

3.GUMAGAMIT NG TALINGHAGA AT SIMBOLISMO

4. MAY PAMAGAT

5. NAKASULAT SA MALINIS NA PAPEL

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA: ANYO- PAGSUNOD SA URI AT ANYO NA HINIHINGI O IPINASUSULAT- 10 PUNTOS BALARILA-WASTONG GAMIT NG SALITA, BANTAS, BAYBAY-5 PUNTOS PAGKAMALIKHAIN- KATANGI-TANGING ESTILO SA PAGSULAT-5 PUNTOS NILALAMAN-LAWAK AT LALIM NG PAGTALAKAY SA PAKSA- 5 PUNTOS KABUUAN: 25 PUNTOS

Answer

“Mga Magulang”

Simula sa iyong pagkabata

Sila ay iyong kasa-kasama

Sa bahay,simbahan at pasyalan

Ika’y kanilang hinahawakan

Sa pagpasok mo sa paaralan

lagi kang pinapaalalahanan

Upang ‘ di mo malimutan

Mga turo’t aral nilang kaygandang kamulatan

Ama’t Ina, Nagtatrabaho at nagsisikap

Para ika’y mapagtapos at ‘ di maghirap

Sila’y magtutulungan at magsasakripisyo

Upang kinabukasan mo’y di mabigo

Tunay na puno ng sapyo at kasakitan

Ang madarama ng isang magulang na uliran

kung ang kanilang anak ay nasasaktan

Sa puso nila’y aasamin, anak magsikap nang sa buhay mo ay may marating at di maghirap.

EXPLANATION

HOPE IT’S HELP PO

See also  Salita O Mga Salita Na Ginagamit Sa Pagpapahayag Ng Pananaw At Nagpap...