Slogan Tungkol Sa Alamat Ng Chocolate Hills
slogan tungkol sa alamat ng chocolate hills
Answer: ANG ALAMAT NG CHOCOLATE HILLS
Noong sinaunang panahon, sa lalawigan ng Bohol, may isang malawak ngunit tuyong lupa. Tuwing tag-init, makikita ang napakaraming biyak at tuwing tag-ulan naman, napakaputikan ang lupaing ito. Kung panahon naman para sa taniman, parang may nalatag na berdeng kumot na tinatakpan ang lupa.
Isang araw, dalawang higante ang dumating sa isla sa magkabilang dulo, ang higanteng nagmula sa hilaga at ang higanteng nagmula sa timog. Natakot ang mga naninirahan sa lupain na baka magkita at mag-away ang mga higante.
Sa kasamaang palad, ito nga ang nangyari.
Nagkasalubong ang dalawang higante at nag-away tungkol sa pag-aari ng lupaing iyon. Nais ng dalawang higante na angkinin ang lupa para sa sarili ngunit lumipas ang oras at hindi pa tapos ang kanilang pag-aaway.
Katatapos lang ng tag-ulan at maputik ang kinatatayuan nila. Dahil sa matinding galit ng bawat isang higante, ay nagbato sila ng putik sa isa’t isa hanggang nawalan sila ng lakas. Sa sobrang hina ng dalawa, parehong natumba at namatay ang mga higante.
Marami ang nakasaksi sa pangyayaring ito at sila’y namangha sa mga burol na gawa sa putik na inihagis ng mga higante. “Chocolate Hills” ang tawag ng mga naninirahan doon sa mga burol at sila’y namuhay nang mapayapa