Sino Ako? Ni: Jim Lyoyd Katulad Ng Ibang Tao, Ako Ay May Sarili Rin Pam…

Sino Ako? Ni: Jim Lyoyd

Katulad ng ibang tao, ako ay may sarili rin pamilya. Ang aking ina, ama,

kapatid, tiyahin, tiyuhin, pinsan, at mga kaibigan. Silang lahat ay aking

nakasama sa loob ng mahabang panahon. Kilala ko ang bawat miyembro ngaking pamilya. Ganoon din naman ang aking mga kaibigan. Alam ko ang mga bagay na hilig nilang gawin at mga lugar na lagi nilang pinupuntahan, pati mga pagkaing madalas nilang kainin. Ganon ko sila kakilala, ngunit sapat na ba iyon upang malaman ko kung sino talaga sila? Gaya ng aking sarili. Lubos ko na bang kilala kung sino talaga ako, bilang ako? Ako, isang simpleng tao. Minsan nakadarama rin ako ng kalungkutan. Gaya ng iba, mayroon din akong mga pangarap. Mga pangarap na walang katapusan. Maiksi lamang ang buhay at walang sandali ang dapat sayangin. Sa aking pagkakakilala sa aking sarili, ako ay isang tao na hinding- hindi titigil sa isang bagay na aking nasimulan. Sa paaralan, tahanan, sa trabaho, o saan mang lugar ako mapunta ay hinding-hindi ako mag-iiwan ng isang bagay na aking sinimulan na hindi natatapos. Ako’ yong uri ng tao na hindi nauubusan ng tiwala sa sarili at pag-asa sa buhay. Tinitiyak ko rin na may magandang kalalabasan ang isang bagay na pinaglalaanan ko nang mahabang oras sa paggawa. Pagdating naman sa aming tahanan, sa aking pamilya ay tunay kong maipagmamalaki ang tunay na ako. Maaasahan ako sa mga gawaing bahay na hindi na kinakailangang utusan upang kumilos. Kumilkilos ako ng magisa at natatapos kong lahat ang mga gawain. Ang laging sumasagi sa isip ko, pagdating sa ibang tao, sino nga ba ako? Ako, bilang isang kaibigan, sa tingin ko ay sapat na ang tunay na ako, upang matawag na isang mabuting kaibigan. Masaya sa oras ng tawanan, at malungkot naman sa mga panahong may suliranin ang isa sa aking mga kasama. Kaya kong baguhin ang ilan sa mga bagay na aking nakaugalian upang magustuhan ng iba. Hindi ko nais na maraming makikisama sa akin ngunit balatkayo naman ang aking pinapakita. Ang nais ko’y tanggapin ako sa paraan ng kung sino talaga ako. Hindi na baleng ilan lamang ang aking mga nakakasama, natitiyak ko naman na tunay ang mga ito. Nariyan din ang aking pamilya na alam kong hinding-hindi tatalikod sa akin dahil isa sila sa pinagkukunan ko ng lakas ng loob. Sabi nila walang ibang nakakakilala sa atin nang lubusan kundi ang ating sarili lamang. Ako kilala ko kung sino si “Ako?” at kung ano ang tunay na”Ako”. Ikaw kilala mo ba kung sino si “Ikaw”at kung ano ang tunay na”Ikaw”.

See also  . Ano Ang Mga Estilo Ng Mga Nagbabalita?​

Gawain bilang 2: Tukuyin ang mga bahagi ng sanaysay mula sa akdang

binasa. Isulat ang sagot sa talahanayan na nasa ibaba

simula

gitna

wakas

Answer:

SIMULA

Explanation:

Katulad ng ibang tao,ako ay may sarili ring pamilya.

Ang aking ina,ama,kapatid,tiyahin,tiyuhin,pinsan,at mga kaibigan.

Silang lahat ay aking nakasama sa loob ng mahabang panahon.

Kilala ko ang bawat meyembro ng aking pamilya.Ganoon din naman ang aking mga kaibigan.Alam ko ang mga bagay na hilig nilang gawin at ang mga lugar na lagi nilang pinupuntahan,pati mga pagkaing madalas nilang kainin.Ganon ko sila ka kilala,ngunit sapat na ba iyon upang malaman ko kung sino talaga sila?