Sa Inyong Simpleng Pamamaraan , Paano Mo Maipapakita Ang Iyong Pagm…

Sa inyong simpleng pamamaraan , paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa bayan?

( Sa mga matatalino jaan need help hehe )

[tex]\pink{\boxed{\boxed{\sf\purple{=========================}}}}[/tex]

[tex]\pink{\boxed{\boxed{\sf\blue{answer}}}}[/tex]

  • Ang pagmamahal sa bayan ay isang mahalagang tungkulin ng isang mamamayan sa isang bansa. Lahat tayo kahit kabataan ay dapat may pagmamahal sa bayan dahil kung wala tayo nito ay “daig pa natin ang hayop at malansang isda” katulad ng sinabi ni Dr. Jose Rizal. Maraming paraan para maipakita natin ang ating pagmamahal sa bayan tulad ng pagmamahal sa sariling wika, pagtangkilik at pagbili ng produktong gawa sa ating bansa. Pwede rin nating tularan ang ibang mga katangian ng mga bayani sa ating bansa na inialay pa ang kanilang buhay para lang maipagtanggol ang bayan. Pero hindi naman ibig sabihin na ialay din natin ang ating buhay, siguro bilang kabataan o mag-aaral dapat nating ipagmalaki ang ating pagiging Filipino sa pamamagitan ng pagsunod sa kultura na kinagisnan ng ating mga magulang.

[tex]\pink{\boxed{\boxed{\sf\blue{ako \ bilang \ kabataan}}}}[/tex]

  • Ako, bilang kabataan ay masasabi ko pa rin na may pagmamahal pa rin ako sa bayan dahil sinusunod ko pa rin ang mga kultura na nakagisnan ng aking mga magulang tulad ng paggalang sa nakatatanda, pagmamano, at paggamit ng po at opo. Bilang mag-aaral, maipapakita rin natin ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng paggalang sa watawat at pag-awit ng Lupang Hinirang sa tamang paraan. Para sa akin, hindi naman mahirap gawin ang pagmamahal sa bayan, kailangan lang ng disiplina, pagiging matapat, at higit sa lahat pagmamahal sa pamilya at pati na rin sa kapwa.
See also  Gawain Sa Pagkatuto Bilang 4: Tukuyin Ang Ungayan Ng Mga Sumusun...

#CarryOnLearning

[tex]\pink{\boxed{\boxed{\sf\purple{=========================}}}}[/tex]