PANUTO: Sagutin Ang Sumusunod Na Mga Tanong upang Makabuo Ng Pag…
PANUTO: Sagutin ang sumusunod na mga tanong upang makabuo ng paghihinuha hinggil sa binasang akda. Bilugan ang titik ng tamang sagot at saka ilahad ang iyong paliwanag kung bakit ito ang iyong napiling hinuha.
1.Maraming isyu ang tinalakay sa akdang binasa ngunit ito ang maituturing na pinakapaksa nito.
A.Pagpapahalaga sa lahat ng karapatan at tungkulin ng mga bata
B.Pagbabawal sa pananakit o paggamit ng corporal punishment
C.Pagpapabuti sa nutrisyon at kalagayan ng mga batang Pilipino
Paliwanag: Ito ang napili kong hinuha sapagkat__________________________________
2.Ito ang pangunahing layunin kung bakit naisulat o naulat ang balitang binasa.
A.Upang mabigyang-halaga at pansin ang lahat ng karapatan ng mga batang Pilipino
B.Upang mapagbuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
C.Upang mapaalalahanan ang mga guro at magulang na mali ang paggamit ng corporal punishment
Paliwanag: Ito ang napili kong hinuha sapagkat __________________________________
3.Ito ang tono o damdaming higit na nangibabaw sa binasang balita.
A.Nagpapabatid
B.Nangangaral
C.Nananakot
Paliwanag: Ito ang napili kong hinuha sapagkat ___________________________________
4.Ito ay positibong epektong maaaring mangyari sa kalagayan ng mga bata sa bansa kapag ganap nang naisabatas ang House Bill 4455.
A.Itatago ng magulang at guro ang pagdidisiplina sa kabataan
B.Higit na tatapang at tatalino ang mga batang Pilipino
C.Higit na matatamasa at mapoprotektahan ang karapatan ng mga bata
Paliwanag: Ito ang napili kong hinuha sapagkat___________________________________
5.Ito ang dahilan kung bakit lumabas sa pag-aaral na malaki ang porsiyento ng mga bata sa Pilipinas ang nakararanas ng pisikal na pananakit sa kamay ng kanilang magulang.
A.Sapagkat naniniwala ang mga Pilipino sa prinsipyong “ ang anak na hindi paluin, magulang ang paluluhain”
B.Dahil sa likas na matitigas ang ulo ng kabataang Pilipino
C.Sadyang malulupit at mapagparusa ang magulang na Pilipino
Paliwanag: Ito ang napili kong hinuha sapagkat________________________________
(;´༎ຶٹ༎ຶ`)
Answer:
1.C
2.B
3.A
4.D
5.B
Explanation:
Sana makatulong