NASA PIC PO ANG BALITA Panuto: Basahin Ang Balita At Sagutin Ang Mga Tanong Upang Makabu…

NASA PIC PO ANG BALITA
Panuto: Basahin ang balita at sagutin ang mga tanong upang makabuo ng paghinuha hinggil sa binasang akda. Bilugan ang titik ng tamang sagot at sa ilahad ang paliwanag kung bakit ito ang iyong napiling hinuha (3 puntos bawat bilang).

1. Maraming isyu ang tinalakay sa akdang binasa ngunit ito ang maituturing na pinapaksa nito.

a. pagpapahalaga sa lahat ng karapatan at tungkulin ng mga bata

b. pagbabawal sa pananakit o paggamit ng corporal punishment

c. pagpapabuti sa nutrisyon at kalagayan ng mga batang Pilipino

Paliwanag: Ito ang napili kong hinuha sapagkat _________________________________________________________

2. Ito ang pangunahing layunin kung bakit naisulat o naiulat ang balitang binasa.

a. upang mabigyang-halaga at pansin ang lahat ng karapatan ng mga batang Pilipino

b. upang mapagbuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa

c. upang mapaalalahanan ang mga guro at magulang na mali ang paggamit ng corporal punishment

Paliwanag: Ito ang napili kong hinuha sapagkat _________________________________________________________

3. Ito ang tono o damdaming higit na nangingibabaw sa binasang akda.

a. nagpapabatid

b. nangangaral

c. nananakot

Paliwanag: Ito ang napili kong hinuha sapagkat _________________________________________________________

4. Ito ang positibong epekto na maaring mangyari sa kalagayan ng mga bata sa bansa kapag ganap nang naisabatas ang House Bill 4455.

a. itatago ng mga magulang at guro ang pagdidisiplina sa mga kabataan

b. higit na tatapang at tatalino ang mga batang Pilipino

c. higit na matatamasa at maproprotektahan ang karapatan ng mga bata

Paliwanag: Ito ang napili kong hinuha sapagkat _________________________________________________________

5. Ito ang dahilan kung bakit lumalabas sa pag-aaral na malaki ang porsiyento ng mga bata sa Pilipinas ang nakakaranas ng pisikal na pananakit sa kamay ng kanilang magulang.

See also  Ano Ang Katangian Ng Mga Nasa Larawan Na Hnd Makikita Sa Karaniw...

a. sapagkat naniniwala ang mga Pilipino sa prinsipyong “ang anak na hindi paluin, magulang ang paluluhain”

b. dahil likas na matigas ang ulo ng kabataang Pilipino

c. sadyang malulupit at mapagparusa ang magulang na Pilipino

Paliwanag: Ito ang napili kong hinuha sapagkat _________________________________________________________

Pasagot po

1. B

  • ito ang napili kung hinuha sapagkat ito ang maituturing na pinaka paksa sa isyung tinalakay sa akdang aking binasa

2. C

  • ito ang napili kung hinuha sapagkat ito ang pangunahing layunin kung bakit naisulat o naiulat ang balitang aking binasa

3. A

  • ito ang napili kong hinuha sapagkat ito ang tono o damdaming higit na nangibabaw sa aking binasang balita

4. C

  • ito ang napili kong hinuha sapagkat ito ang positibong epektong maaaring mangyari sa kalagayan ng mga bata sa bansa kapag ganap nang naisabatas ang house bill 4455

5. A

  • ito ang napili kong hinuha sapagkat ito ang dahilan kung bakit lumabas sa pag-aaral na malaki ang porsyento ng mga bata sa pilipinas ang nakakaranas ng pisikal na pananakit sa kamay ng kanilang magulang

Just sharing my answer cuz why not? hahah thats all hope it helps

(Jesselyn Bongcawel)