Mga Halimbawa Ng Pangungusap Na May Datapwat, Ngunit, Samantala,saka,kaya,dahil…
mga halimbawa ng pangungusap na may datapwat, ngunit, samantala,saka,kaya,dahil sa
HALIMBAWA NG PANGUNGUSAP
Mga halimbawa ng pangungusap na may
- datapwat
- ngunit
- samantala
- saka
- kaya
- dahil sa
Datapwat
- Binigay niya ang kanyang tinapay datapwa’t siya’y gutom na.
- Sinikap niya na makapasok sa eskuwelahan datapwa’t siya ay may iniindang sakit.
- Naging mahinahon pa rin siya datapwa’t sinabihan siya ng masasakit na salita.
Ngunit
- Maganda ang hangarin niya ngunit hindi epektibo ang mga nakapaligid sa kanya.
- Mabibili ko na sana ang gusto kong damit ngunit nawala naman ang ipon kong pera.
- Naghintay ako ng tatlong oras sa ating tagpuan ngunit kahit anino mo ay di ko man lang nakita.
Samantala
- Malamig ang kanyang kape samantala ang aking juice ay mainit.
- Naglalaro ako ng chess samantala ang aking kaibigan ay naglalaro ng jackstone.
- Minahal ko siya ng totoo samantala siya, niloloko lang pala ako.
Saka
- Mabait saka maganda ang dilag na yaon.
- Pakibili naman po ako ng ballpen saka papel.
- Sinigang saka tinola ang paborito kong ulam.
Kaya
- Sira ang kotse ko kaya maglalakad tayo.
- Nagkaroon ng malakas na bagyo kaya nasuspinde ang klase.
- Gusto kasi kita kaya kakantahan kita.
Dahil sa
- Pabagsak ang gobyerno dahil sa mga hindi matitinong appointee sa pamahalaan tulad ni Mocha Uson.
- Nagkaroon ng brown out sa aming lugar dahil sa bumagsak na poste.
- Ipinaglaban ng mga estudyante ang kanilang karapatan dahil sa nararanasang kawalang katarungan sa paaralan.