Magbigay Ng Limang Halimbawa Ng Panlalaki,pambabae, Di-tiyak, At Walang Kasari…
Magbigay ng limang halimbawa ng panlalaki,pambabae, di-tiyak, at walang kasarian
Kasarian Ng Pangngalan
Ang mga kasarian ay mahalagang bahagi ng mga pangngalan. Kailangan kasing mapagtanto ang kasarian ng pangngalan upang ang angkop na panghalip at pang-uri ang magagamit sa pangungusap.
Pangngalang panlalaki – Ito ay ginagamit sa mga lalaking hayop o tao.
Halimbawa:
- Tinulungan ng binata ang kanyang tiyuhin at ama na ayusin ang nasirang bubong.
- binata
- ama
- lolo
- bayaw
- santo
- hari
- emperador
- kumpare
- tandang
- duke
- abogado
- nobyo
- kusinero
- piloto
- ginoo
Pangngalang pambabae – Ito ay ginagamit sa mga babaeng hayop at tao.
Halimbawa:
- Nagpabili ng bagong damit ang dalaga sa kanyang ina.
- dalaga
- inday
- dilag
- emperatris
- hipag
- ate
- inahin
- madre
- nanay
- lola
- prinsesa
- ninang
- reyna
- tiya
Pangngalang di tiyak – Ito ay maaring gamitin sa kahit anong kasarian, babae man o lalaki.
Halimbawa:
- Hindi gusto ng bago kong kasintahan ang aking mga kaibigan.
- kaibigan
- kasintahan
- kasabay
- anak
- artista
- pamangkin
- biyenan
- pinsan
- magulang
- pangulo
- guro
Pangngalang walang kasarian – Ito ay tumutukoy sa mga bagay na kadalasan ay walang buhay at kasarian.
Halimbawa:
- Ang mga papel ay nilipad ng malakas na hangin na dala ng bagyo.
- tula
- sapatos
- kalye
- simbahan
- pag-ibig
- bituin
- pamaypay
- bote
- mesa
- halaman
- kumot
- salamin
- papel
- hangin
- apoy
- buhangin
Bisitahin ang link na ito para sa iba pang impormasyon tungkol sa 4 na kasarian ng pangngalan:
- brainly.ph/question/2163047
#SPJ2
Halimbawa ng panlalaki. Kasarian ng pangngalan. Kasarian ng pangngalan
Kasarian ng pangngalan.doc. Halimbawa ng panlalaki. Larawan ng pantangi
Tukuyin ang kasarian ng pangngalan kung panlalaki, pambabae, di-tiyak. Kasarian ng pangngalan: filipino lesson and worksheets for kindergarten. Kasarian ng pangngalan
pangngalan kasarian filipino
Kasarian ng pangngalan: panlalaki, pambabae, di-tiyak at walang. Halimbawa ng panukalang proyekto. Salitang halimbawa panlalaki kasarian