Mabuti At Masamang Epekto Ng Sosyal Midya​

mabuti at masamang epekto ng sosyal midya​

Answer:

Sa kasalukuyan, tayo ay narito sa tinatawag na social media era at digital age. Hindi maikakailang sa panahon ngayon, halos lahat ng bagay ay makikita mo na online. Maraming uri ng impormasyon ang maaari mo na ngayong makuha sa iyong mga social media accounts.

Bagaman maraming positibong naidudulot ang internet at social media, mayroon din itong mga kaakibat na negatibong epekto, lalo na kung hindi responsable ang paggamit natin dito.

Answer:

Hindi natin maitatangging natulungan tayo ng sosyal midya sa iba’t ibang aspeto ng ating buhay. May mga nakahanap ng kasama habang buhay, mga kaibigan, taga-payo, kalaro, at iba pa. Sa mga nabanggit ko, lahat ay naghihikayat na mahalin natin ang sosyal midya. Idagdag pa natin na ngayon ay may pandemya tayong kinakaharap, nakatulong ito lalo na sa mga mag-aaral na nais pa rin ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Sa pagsagap ng mga balita, marami ang mga balita na maaaring mapanood sa sosyal midya tuad ng facebo*k na kung minsan ay inu-upload ang mga livestream. Hindi natin maitatangging kahit pa wala ang covid, may ginagampanan pa rin na mahalagang posisyon ang sosyal media– ang makausap natin ang ating mga mahal sa buhay na malayo.

Ngunit madaming masamang epekto ang sosyal midya, katulad nalang ng adiksyon na maaaring magresulta sa kamatayan o kung swertehin ka pa, lumabo lang ang iyong mata. Nagkalat din ang mga security issues sa iba’t ibang social media platforms na sa tingin ko ay hindi nakabubuti sa lahat lalo na sa bata.

See also  Mag Bigay Ng Halimbawa Ng Talaarawan​