Kinaroroonan Ng Lalawigan Cavite
kinaroroonan ng lalawigan cavite
Answer:
Kinaroroonan ng Lalawigan ng Cavite
Matatagpuan natin ang lalawigan ng Cavite sa mga sumusunod na direksyon:
- Ito ay nasa timog ng Metro Manila
- Ito ay nasa kanluran ng Laguna
- Ito ay nasa hilaga ng Batan gas
- Ito ay nasa silangan ng West Philippine Sea
Explanation:
Ang lalawigan ng Cavite ay isang bulubunduking lalawigan na kalapit lamang ng Maynila na matatagpuan sa rehiyon ng CALABARZON. Dahil sa lapit nito sa kabisera ng bansa, nakaranas ang lalawigan ng biglaang pag-unlad, at ang ilan sa mga bayan nito ay naging mga lungsod na. Isa sa mga paboritong puntahan ng mga tao sa Cavite ang lungsod ng Tagaytay, dahil na rin sa magandang view ng Taal Volcano mula sa mga view deck nito. Maganda rin ang lupain sa Cavite dahil sa mga abo mula sa Bulkang Taal, at ginagamit nga ito upang taniman ng mga prutas at gulay, kagaya na lamang ng pinya.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga lalawigan ng Pilipinas, bisitahin lamang ang link na ito:
https://brainly.ph/question/347964
https://brainly.ph/question/779790
https://brainly.ph/question/1939820
#BrainlyEveryday