Kahalagahan Ng Pag Aaral Ng Araling Panlipunan
kahalagahan ng pag aaral ng araling panlipunan
Kahalagahan ng Pag aaral ng Araling Panlipunan
Ang pag-aaral ng Araling Panlipunan ay mahalaga sapagkat naglalayon ito na makilala ang ating sarili, pinagmulan, kultura, bansa, ekonomiya, at lahat ng bagay na ating matatagpuan sa lipunang ating ginagalawan. Dahil sa pag-aaral na ito matututo tayo na mamuhay, magpahalaga, sumunod, at gawing kapakipakinabang ang bawat oras.
Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga sumusunod na paksa:
Sikolohiya
- Ito ay tumatalakay sa pag-uugali o pamamaraan ng pamumuhay ng isang lugar; sa tulong nito, maipakikita at maipagmamalaki ang kakanyahan ng bawat kultura.
Heograpiya
- Tumatalakay sa kapaligiran o lokasyon ng isang lugar; pinag-aaralan dito ang uri ng klima, agrikultura, at mga taong naninirahan.
Politika
- Ito ay pamamaraan ng pamamahala at pagpapaunlad ng isang pook o bansa; sapamamagitan ng pag-aaral na ito, nalulutas at nakagagawa ng matibay na pagpapasya para sa hinaharap.
Kasaysayan
- Ito ay ang repleksyon ng isang bansa o pook mula sa nakalipas na panahon; sa tulong ng kasaysayan napaghuhusay at napapatatag ang kasalukuyan at hinaharap ng isang bansa.
Para sa mga karagdagang impormasyon maaring magtungo sa link na nasa ibaba:
https://brainly.ph/question/1500717
https://brainly.ph/question/1745176
https://brainly.ph/question/578696
#LearnWithBrainly