Itala Ang Mga Kontribusyon Ng Kabihasnang Romano Sa Daigdig
itala ang mga kontribusyon ng kabihasnang romano sa daigdig
Malaki ang naiambag ng kabihasnang Rome sa ating panahon ngayon. Ang mga kontribusyon nito ay makikita sa iba’t ibang larangan, tulad ng batas, panitikan, arkitektura, tirahan, libangan, pananamit at agrikultura.
Narito ang ilan sa mga ambag at kontribusyon ng kabihasnang Rome:
Batas
Ang Rome ang kinikilalang pinakadakilang mambabatas noong unang panahon. Pinatupad nila ang twelve tables kung saan ito ay nagsasaad ng karapatan ng mga mamamayan atmga pamamaraan ayon sa batas. Ito ang katumbas ng Konstitusyon ng Pilipinas.
Panitikan
Ang panitikan ng Rome ay mga salin ng mga tula at dula ng Greece. Narito ang ilang kilala sa panitikan ng Rome:
Livius Andronicus – nagsalin ng Odyssey
Marcus Plautus at Terrence – unang manunulat ng comedy
Cicero – manunulat at orador
Arkitektura
Kabilang sa mga nagawa na gusali ng kabihasnang Rome ay ang mga pampublikong paliguan at pamilihan, arch na ginamit sa mga templo at bulwagan na kilalang Basilica. Pati narin ang colosseum na para sa labanan ng gladiator.
Pamumuhay at Tirahan ng Mayayaman at Mahihirap
Magkaiba ang pamumuhay at tirahan ng mayayaman at mahihirap mula pa sa kabihasnan ng Rome. Ang tirahan ng mayayaman ay gawa sa marmol at bato, may malawak na bulwagan at malambot na kama. Sila din ay gumagamit ng kutsara at kutsilyo at masasarap ang pagkain. Samantalang ang mahihirap ay nakatira sa bahay paupahan na may pitong palapag. Lugaw ang karaniwang almusal at hapunan.