Epekto Ng Florante At Laura Noon At Ngayon Pa Help Po Asap☺️ Tatlong Noon At T…
epekto ng florante at laura noon at ngayon pa help po asap☺️ tatlong noon at tatlong nagyon
answer:
Ang awit na Florante at Laura ay isang importanteng bahagi ng kultura natin na hindi dapat makalimutan ngayon at sa mga darating na panahon. Noong unang panahon nang nandito ang mga Espanol, maraming magaling na Pilipinong manunulat ay nagsulat dahil sa pananakop ng Espanya at naitago sa mga magandang panunulat nila, ang mga palaisipan para sa ikabubuti ng mga tao sa panahong iyon ng mga Kastila. Kung hindi naisulat ang awit na Florante at Laura at ang ibang artikulo noon, marahil tayo ay nasa ilalim pa ng pamununo ng Espanya. Hindi kaya? Kung kaya’t, dapat natin pag-aralan kahit man lang isang beses sa ating buhay para maunawaan natin ang hirap at sakit na dinaaanan ng mga tao sa panahon na iyon at mabigay-pugay sa tapang nilang sumulat. Natuklasan natin ang estilo ng panunulat ng mga tao noon at maihambing sa panunulat ngayon.
Sa lipunan natin ngayon, makikita ang katauhan ni Florante sa mga biktima ng kawalan ng hustisya at sa kamalasan sa kanilang buhay na dapat ay maayos at maganda. Natututo siya ng lakas ng loob at pagtitiis ng problema. Si Laura ay nagsisilbing huwaran dahil siya ay maganda at may mabuting kalooban. Kung ang isang kaibigan ay tapat at walang hinihintay na kapalit, siya ay katulad ni Aladin. Para sa kanya, wala lang ang diperensya ng relihiyon at kailangan tulungan ang kahit sinuman kaawa-awa. Sana kung maintindihan mabuti ang mga Kristiyano at Muslim na ganitong kalalim ang pagkakaibigan ng dalawang magkaibang relihiyon, maiiwasan ang labanan sa Mindanao. Kung ang karapatan namin ay pinipigil, maalala ang katauhan ng mga kaibigan ni Duke Briseo. Dahil sa takot nila sa pamumuno ni Adolfo, wala silang magawa para mailibing si Briseo at ipaglaban para sa karapatan nila. Ito ay magandang talakayan para malaman natin kung ano ang magagawa ng totoong Filipino. Ang salot sa mundo ngayon ay dahil sa mga kataksilan sa gobyerno, sa lipunan, sa mga tao. Ito ay makikita sa katauhan ni Konde Adolfo. Malalaman natin na masama ang katakawan para sa pananakop, yaman at pamumuno. Marami rin aporismo at magandang aral sa buhay sa Florante at Laura na pwede nating magamit para gumabay sa ating paggawa ng desisyon, sa ating mga relasyon sa mahal natin sa buhay at sa halos lahat ng aspekto ng buhay. Tama talaga ang sinabi ni Balagtas na gaganda ang buhay dahil sa kathang ito kung iintindihin nang mabuti, lalo na ang kabataan dahil ilang taon lang, sila na ay may kapangyarihan at yaman sa mundo.
Para sa akin, ito ay napakaganda ng katha ng isang henyo na nagpakita ng ganda, yaman, lawak ng wikang Pilipino. Ginamit niya ito upang gisingin ang isipan at damdamin ng mambabasa tungkol sa iba’t ibang aspekto ng ating buhay. Ngayon, totoo pa rin yan. Kung walang mag-aaral ng Florante at Laura, maraming mawawala sa mga estudyante dahil ito ay pwede bibigyan ng malalim na pag-unawa ng lipunan sa noon. Ang mga Francisco Balagtas sa ating paligid ngayon ay ginagawa iyan, na naghahayag ng isip at pang-unawa sa mga nangyayari tulad ni Bob Ong sa “ABNKKBSNPLAko?!” at Pol Medina sa “Pugad Baboy” na madali nating maintindihan. Kapareho ng Florante at Laura noon sa Espanyang pamumuno, ang mga bumabasa at nag-unawa sa mga ito ay malaman ng maraming kaalaman at impormasyon tungkol sa aming modernong kultura. Kaya tayo ay dapat pahalagahan at pasalamatan ng mga mambabasa ang katha ng henyong si Florante at Laura.
Sa buhay ngayon, ang kabataan kagaya ko ay halos walang makitang maganda sa wikang Pilipino. Lahat halos ng nakapaligid sa amin ay paggamit ng ibang wika. Ang mga palabas sa telebisyon, radyo at internet ay puro Ingles. Kahit ang mga miting sa gobyerno ay may wikang Ingles. Mayaman ang Florante at Laura sa talinhaga, tayutay at magandang salita. Makilala natin sa kagandahan at kayamanan ng Wikang Pilipino sapagkat ito ay nasulat ng isang mahusay at matalinong manunulat. Sa loob ng mga magandang saknong ay paalala ng mga abuso ng mga Espanol, kuwento ng kahirapan sa buhay ni Balagtas at kuwento ng kahirapan sa Pilipinas. Dapat lamang na tayo ay magbasa at unawain ang Florante at Laura para mabigyang-halaga sa magaling na sulat at igalang natin ang pamana ng mga matatalinong Filipinong naghirap at nagsikap para matuto tayo ng mga bagay na ito.
Explanation:
hope its help
Ang larawan ay nagpapakita ng ating kapaligiran noon at ngayon.#n#. Ngayon kasuotan noon calameo. Kapaligiran noon at ngayon drawing easy
Poster noon ngayon kahulugan awareness kalsada kkk. Kalsada noon at ngayon drawing. Kalikasan noon at ngayon drawing easy
Kalsada noon at ngayon drawing. Kapaligiran noon ngayon isyung oktubre nasira pauline ni. Poster noon ngayon kahulugan awareness kalsada kkk
noon ngayon libangan brainly
Kapaligiran drawing easy. Kapaligiran noon at ngayon drawing. Kasuotan ngayon drawing
Noon ngayon libangan brainly. Kapaligiran noon at ngayon drawing. Kalikasan noon at ngayon drawing easy
Poster noon ngayon kahulugan awareness kalsada kkk. Pagkakaiba ng katangian ng kababaihan noon at ngayon noon ngayon a int. Kapaligiran noon at ngayon drawing easy
kapaligiran noon ngayon isyung oktubre nasira pauline ni
Kasuotan noon at ngayon drawing easy. Kalsada noon at ngayon drawing. Noon ngayon kapaligiran kalikasan pamamagitan tambayan litrato 10year mga
larawan kapaligiran malinis kalsada noon ngayon komunidad scenery halimbawa apkpure advices
Kapaligiran noon at ngayon drawing. Noon ngayon kapaligiran. Noon at ngayon drawing