Elemento Ng Parabula Pdf
elemento ng parabula pdf
ELEMENTO NG PARABULA
Apat na Elemento o Bahagi ng Kwentong Parabula:
1)Tauhan – ito ang anumang tao o karakter na gumaganap sa istorya o
Elemento ng parabula
1. Tauhan
• Sila ang gumaganap o ang mga gumaganap sa isang kuwento na hinago sa banal na bibliya na maaring makapagbigay ng magandang aral sa mga mambabasa.
2. Tagpuan
• Ito ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaring ito ay tumutukoy sa lugar na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon. Ang Tagpuan ay puwedeng maging marami depende sa istorya.
• Sa parabula madalas hindi agad nasasabi ang tagpuan ng kwento o may mga pagkakataong hindi na ito nababangit sa parabula.
3. Banghay
• Ito ang paglalahad ng pagka sunod-sunod ng pangyayaring naganap sa kuwento
4. Aral o magandang kaisipan
• Ito ang matututunan ng isang tao matapos mabasa ang isang kwento.
• Marami ang gustong iparating ng parabula sa atin kaya dapat natin itong isabuhay lalo pa at ito ay nakasulat sa banal na bibliya
Ano ang Parabula?
• Ito ay isang kuwento ngunit gumagamit ito ng pagtutulad at metapora upang mabigyang diin ang kahulugan.
• Ang mga halimbawa ng mga parabula ay ang mga kuwento na hinango sa banal na bibliya.
• Ang mga detalye tungkol sa mga tauhan ay nagbibigay ng malalim na kahulugan at binibigyang diin ang aral sa kuwento.