Bible Verse Tagalog At Paliwanag
bible verse tagalog at paliwanag
Bible Verse
Ang bible verse ay mga katagang mababasa sa Bibliya. Ito ay maaaring isinulat sa panahon ng Lumang Tipan o Bagong Tipan. Ang mga bible verses na ito ay nagbibigay ng aral. Kadalasan, ito ay nagtuturo ng mga karanasan at buhay ni Hesukristo. Ang mga ito ay mga salita ng Diyos na ibinibigay sa tao.
Halimbawa ng Bible Verse na Tagalog:
“At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit na sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa.” – Mateo 25:40
Kahulugan:
Sa partikular na bible verse na ito, sinabi ni Hesus na kung anuman ang ginawa ng tao sa kanyang kapwa maging ito man ay maliit o malaki, ito ay ginawa rin ng taong ito kay Hesus. Sa madaling salita, kung paano pinakikitunguhan o itinatrato ng tao ang kanyang kapwa, ganito rin ang pakitungo at pagtrato na ibinibigay niya kay Kristo. Ang pagiging mabuti at matulungin sa kapwa ay nangangahulugan lamang ng pagiging mabuti at matulungin sa Diyos.
Sa lahat ng panahon at pagkakataon, nais ng Diyos na maging mabuti tayo sa ating kapwa. Ang pagiging matulungin ay isang maka – Diyos na pag – uugali na nais ng Diyos na taglayin ng bawat tao anuman ang katayuan niya sa buhay. Hindi mahalaga kung ano ang naitulong o nagawa ng tao para sa kanyang kapwa sapagkat ang tinitingnan ng Diyos at higit na mahalaga ay ang kanyang kagustuhan na makatulong sa iba. Wala man tayong kakayahang pinansyal, maraming paraan upang maipadama natin sa ating kapwa ang pakikiramay sa panahon ng kanilang mga pangangailangan. Bukod dito, dapat tandaan na ang pagtulong ay hindi ginagawa upang humingi ng kabayaran o maghangad ng kaparehong tulong sa oras ng pangangailangan. Ito ay dapat na bukal sa kalooban at hindi naghahangad ng anumang kapalit.
Ano ang Bibliya: https://brainly.ph/question/2301610
#LearnWithBrainly