B. Tukuyin Kung Ang Sumusunod Ay Talambuhay, Anekdota, Journal O Talaarawan 13. Si Emry A…
B. Tukuyin kung ang sumusunod ay Talambuhay, Anekdota, Journal o Talaarawan
13. Si Emry ay nasa ikalawang baitang ngayon. Libangan niya ang paglalaro sa kaniyang Ipad Hinintay niya ang pagdating ng kaniyang papa na siyang kumuha ng modyul. Sinalubong niya ito sa pintuan at agad na kinuha ang envelope na pinaglalagyan nito. Dali-dali niya itong binuksan at kinuha ang nasa loob. “Papa, Papa, there’s a story book inside. Can I read it now?” tanong niya. “But this is not English, how am I suppose to understand this?”, Sumabad ang lola ni Emry, “ayan kasi, pa-Ingles-ingles kayo sa anak niyo, ngayon paano ang pagsagot niyan?”
14. Agosto 24, 2020 Inihanda ko ang mga gamit para sa aming unang araw ng online class. Masaya ako ngunit kinakabahan din ng kaunti. Ano kaya ang masasabi ng aking mga kaklase, o ng aking mga guro sa bagong paraan ng pagkaklase ngayon? Agosto 27, 2020 Eksaktong ikasiyam ng umaga nang pumasok ako sa aming klase. Nakauniporme pa rin ako. Nandoon na pala ang aking mga kaklase at nagkukuwentuhan pa. May tawanan ulit. Pagpasok ng aming propesor ay tahimik kaming lahat. Nagsimula na ang aming klase sa pananaliksik.
15. Sa oras ng aming aralin sa Araling Panlipunan, masiglang nagtuturo ang aming guro, tahimik na nakikinigang aking mga kamag-aral, pero nagkataon na may iba akong ginagawa, kaya ng tinawag ako ng aming guro, hindi ako nakasagot. Nahiya ako sa nagyari kaya naisip ko sa susunod, Magpopokus na ako sa aking pag-aaral
Answer:
yan po answer ko po hope it helps
Explanation:
hope it helps
#carry on learning