Ang Paborito Kong Sport Essay​

ang paborito kong sport essay​

Answer:

Bata pa lamang ako ay mahilig nakong maglaro ng kung anu-ano. Habang ako’y nagmamatyur at tumataba este.. lumalaki pala(haha), nahilig din ako sa paglalaro ng mga iba’t ibang isports tulad ng Basket Ball, Volley Ball, Badminton, Table Tennis,Tennis, Soccer Base, Base Ball, Swimming, at Bowling.. Halos lahat ng ito ay talagang paborito kong laruin maliban sa Base Ball, Soccer Base at bowling dahil hindi ito basta bastang malalaro kahit kailan mo gusto at paminsan pa ay nangangailangan ito ng marami pang ibang mga manlalaro.

Ngunit sa mga isports na nabanggit ko, may isa lang dun na talagang pinagtutuunan ko ng pansin. Ito ay ang isport na Table Tennis. Ito ang pinakapaborito kong laro sa lahat ng larong nalaro ko na. Bakit?, dahil gusto ko ring maiba sa mga karaniwang nilalaro ng mga kabataan. Lahat kasi halos ng mga kabataan ay marunong nang mag basket ball, volley ball at badminton. Ngunit hindi lamang ito ang dahilan kung bakit ko pinili ang table tennis na pinakapaborito kong isport. Ang table tennis kasi ay hindi basta bastang laro. Mukha siyang madaling laruin ngunit pag iyo nang nilaro, makikita mo na mahirap din. Hindi tulad ng sa ibang mga isport/laro, dito hindi mo kailangan ang malalaking mga muscles o magandang pangangatawan para maging magaling. Ang mga manlalaro pa nito ay hindi lamang nalilimitahan sa mga kabataan, kahit mga may edad na ay kayang kaya paring maglaro nito. Totoo iyan dahil marami na akong nakalarong mga may edad na at napakagaling parin nila!!

See also  Mga Bahagi At Katangian Ng Abstrak​

Nagsimula akong maglaro nito noong grade 4 pa lamang ako. Nakikipaglaro na ako sa kuya ko, na barsity ng highschool noong mga taym na iyon. Noong una ay lagi akong talo sa kanya ngunit ng tumagal ay natatalo talo ko na rin siya! haha, iyon ang naging simula ng pagkahilig ko sa larong iyon hanggang sa naging barsity din ako ng aking school noong elementarya hanggang highschool. Marami akong naging ekspiryensya dahil ang aming iskul ay aktibo sa pagsali sa mga “inter-school intramurals” na naging daan upang mahubog ko pa ang aking sarili sa paglalaro nito. Naging tanyag ako sa aming iskul sa isport na iyon. Madalas naman akong nananalo sa mga laban. Dahil sa mga panalong iyon, nabigyan ko ng karangalan ang aking iskwelehan. (Tignan ninyo na lang ito bilang katunayan ^c^ )

Noong 3rd yr high school ako, nabigyan ako ng oportunidad na makilahok sa isang malupit na tournament. Sinali ako sa NCR Meet intramurals na kung saan ay maglalaban laban ang iba’t ibang mga siyudad sa NCR(National Capital Region) tulad ng Makati, Mandaluyong, Pasig, Pateros, Pasay, Caloocan at Las Piñas na kung saan ako ang napiling magrepresenta ng aming siyudad sa isport na Table Tennis. Hindi naging madali para sa akin ang mga laban doon. Nadehado ako ngunit may mga naipanalo naman kahit papano. Masaya narin ako sa mga paglalaban na mga iyon dahil mas nag imprub pa ako at nagkaroon ako ng maraming kaibigan na iyon din ang hilig na isport.

Ngayong kolehiyo na ako, kasalukuyang miyembro ako ng Table Tennis Varsity ng De La Salle University – Manila. Ngayon, mas malaking mga pagsubok ang naghihintay para sa akin dahil mas marami nang magagaling dito kumpara noong high school. Maging dahilan na rin ito ng mas lalong pagkahilig sa paglalaro. Kahit hindi ako nakapag laro noong UAAP last September, mas pagbubutihin ko pa ang pag ensayo nang sa gayon ay makapaglaro na ako sa susunod na taon upang makapagbigay karangalan sa DLSU kung papalaring manalo. 🙂

See also  Ano Ang Ibig Sabihin Ng Matalinghagang Salita Na Laki Sa Layaw

Explanation:

pa brainliest

Answer:

masaya akong bata noon bata ako

Explanation:

ako ay mahilig mag patintiro at iba pa