Ang Mga Arabo Ay Matatagpuan Sa Kanlurang Asya. Arabic Ang Kanilang Wikag…
Ang mga Arabo ay matatagpuan sa Kanlurang Asya. Arabic ang kanilang wikag ginagamit. Sila ay mga taong lagalag o nomadic na nagmula sa Arabian Peninsula na mas kilala bilang Bedouins. Ang malaking bahagi ng Arabian Peninsula ay binubuo ng disyerto kaya’t salat sa tubig ang lugar na ito. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit pagpapastol ng tupa, kambing, at kamelyo sa malawak na disyerto ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga Arabo sa lugar na ito. Sa kabilang dako, ang mga Arabo na may permanenteng tirahan ay nagtatanim ng dates, cereals, at iba pa sa oasis.
Ang oasis ay isang lugar sa disyerto na nagtataglay ng matabang lupa at tubig na magagamit sa pagtatanim at pag-aalaga ng hayop. Ito rin ang nagsisilbing sentro ng kalakalan kung saan ang mga caravan ay nagdadala ng mga pampalasa, ivory at mga ginto mula sa timog na bahagi ng peninsula ng Arabia at sa Africa. Bagama’t mahirap ang mabuhay sa disyerto, iniangkop ng mga Arabo ang kanilang pamumuhay sa kanilang kapaligiran. Salat man sa tubig ang kanilang lugar, biniyayaan naman ito ng masaganang suplay ng langis na kanilang nililinang upang maipangtustos sa kanilang mga pangangailangan at mapaunlad ang kanilang kabuhayan. Ang bahagi ng kitang mula sa langis ay ginagamit nila upang paunlarin ang mga patubig sa mga lupain, sa pagpapatayo ng mga gusali, lansangan, ospital at maging paaralan. Hindi nakapagtataka na matatagpuan sa lugar na ito ang ilan sa mayayamang bansa sa Asya.
Islam ang pangunahing relihiyon ng mga Arabo. Dahil sa relihiyon nagkakaisa ang mga Bedouins at ang mga naninirahan sa may oasis. Ang kultura at tradisyon ng mga Arabo ay nakabatay sa mga aral ng relihiyong Islam. Sa paglipas ng panahon ito ay lumaganap sa Kanlurang Asya at sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig.
Anu-ano ang mga katangian nila, kultura at iba pang pagkakakilanlan?
Answer:
sila ay tao na person na my personality