Alamat NG Chocolate Hills Pano Namatay Ang Dalawang Higante​

alamat NG chocolate Hills pano namatay ang dalawang higante​

Answer:

Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila. Ginawa ng isang higante ay bumilog ng putik at binato sa isa. Subali’t gumanti rin ang isa at humulma rin ng isang bilog na putik at siya ring binato sa kalaban. Walang tigil na batuhan ng binilog na putik. Hanggang ang dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga.

Explanation:

Dahil sa pagiging madamot nila sa isa’t-isa, ito ang nagsanhi na mag away sila, dahil sa pagaaway nila kaya sila namatay…

Correct niyo nalang po kung mali…

#CarryOnLearning

Answer:

Noong sinaunang panahon, sa lalawigan ng Bohol, may isang malawak ngunit tuyong lupa. Tuwing tag-init, makikita ang napakaraming biyak at tuwing tag-ulan naman, napakaputikan ang lupaing ito. Kung panahon naman para sa taniman, parang may nalatag na berdeng kumot na tinatakpan ang lupa.

Isang araw, dalawang higante ang dumating sa isla sa magkabilang dulo, ang higanteng nagmula sa hilaga at ang higanteng nagmula sa timog. Natakot ang mga naninirahan sa lupain na baka magkita at mag-away ang mga higante.

Sa kasamaang palad, ito nga ang nangyari.

Nagkasalubong ang dalawang higante at nag-away tungkol sa pag-aari ng lupaing iyon. Nais ng dalawang higante na angkinin ang lupa para sa sarili ngunit lumipas ang oras at hindi pa tapos ang kanilang pag-aaway.

Katatapos lang ng tag-ulan at maputik ang kinatatayuan nila. Dahil sa matinding galit ng bawat isang higante, ay nagbato sila ng putik sa isa’t isa hanggang nawalan sila ng lakas. Sa sobrang hina ng dalawa, parehong natumba at namatay ang mga higante.

Marami ang nakasaksi sa pangyayaring ito at sila’y namangha sa mga burol na gawa sa putik na inihagis ng mga higante. “Chocolate Hills” ang tawag ng mga naninirahan doon sa mga burol at sila’y namuhay nang mapayapa.

Sana makatulong

#BetterWithBranly

See also  Halimbawa Ng Epikong Kristiyano​