Buod Mutya Ng Saging

buod mutya ng saging

Mutya ng Saging Buod

Isang gabi sa tapat tindahan ni aling Clarita may apat na lalaking umiinom ng alak, ang isa sa mga umiinom dito ay isang Amerikano. Sila ay nag uusap at nagkwekwentuhan.

Noon dumating na isang matandang lalaki na noon ay inutusan lamang ng kanyang asawa na bumili ng suka ngunit ito ay inaya ng apat na lalaki na uminom. At ito naman ay nagpa unlak. Ito ay napakwento na mula sa kanyang pagkabinata hanggang sa makwento nito ang tungkol sa anting-anting na tinatawag na “Mutya ng Saging”. Ngunit ang kanilang kwentuhan ay naputol dahil sa pagdating ng asawa ng matandang lalaki, ito ay kagya’t na pinagalitan. Ang mag asawa ay umuwi na. Naiwan ang Amerikano at ang kanyang mga kainuman. Ang Amerikano pala ay nagkaroon ng interes sa hiwaga ng kwentong bumabalot sa anting-anting ng “Mutya ng Saging”. Nang sila ay makatapos na sa inuman.Isinama nya ang dalawa sa kanyang kainuman sa gubat kung saan naroon ang anting-anting.

Nang makapasok na sa gubat ang dalawa nyang kasama ay takot na takot sapagkat alam nila ay may kapreng nagbabantay kung saan naroon ang anting-anting. Dali daling nagsi takbo ang dalawa nyang kasama, dahil hindi naniniwala ang Amerikano sa sa mga kababalaghan at mga ibang nilalang siya ay tumuloy pa din ito. Nang nakaharap na siya sa puno ng saging nagpakita sa kanya ang ang Kapre. Natakot ang Amerikano, ngayon naniniwala na siya na totoo pala ang mga kakaibang nilalang. Kinausap siya ng Kapre at siya ay nilinlang nito. May ipina inom ito sa kanya,.Magkakaroon daw ng kapangyarihan ang sinumang iinom nito. Ininom nga ng Amerikano ang pina inom ng Kapre. Kapag pala ininom nya ang katas na iyon siya ay habambuhay na magbabantay sa puno ng saging. Na siyang nangyari, ang Amerikano ay naging Kapre. At ang Kapre ay nakalaya na habang buhay.

I-Click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:

https://brainly.ph/question/852250

https://brainly.ph/question/790010

https://brainly.ph/question/790010


See also  Daloy Ng Pangyayari Sa Alibughang Anak​