Bakit Maihahalintulad Mo Ang Iyong Sarili Sa Isang Payong?

bakit maihahalintulad mo ang iyong sarili sa isang payong?

Ako ay maihahalintulad sa isang payong sapagkat malaki ang aking kapakinabangan at naitutulong.

Gaya ng isang payong na panangga sa ulan at matinding sinag ng araw, aking pinoprotektahan ang aking mga mahal sa buhay upang maiiwas sila sa mga karamdaman dulot ng masamang panahon.

Katulad ng isang payong na maasahan sa matinding sama ng panahon o klima, ako ay palaging naririto sa oras ng kagipitan upang damayan ang aking mga mahal sa buhay at mga kaibigan sa pagharap sa mga problema o dagok ng buhay.

At higit sa lahat, gaya ng isang payong kung saan nagyayakap ang nakasilong dito, aking pinagbibigkis ang aking pamilya upang kami ay manatiling buo, magkakasama at masaya.  

See also  Mga Bagay Na Hindi Ko Kayang Gawin​