Reaksyon Sa Ibong Adarna
reaksyon sa ibong adarna
Answer:
Ang Ibong Adarna ay isang epikong Pilipino. Ito ay tungkol sa isang ibon na nagngangalang Adarna. Ang Ibong Adarna ay may taglay na engkanto na nakakapagpagaling ng anumang karamdaman at sakit sa pamamagitan ng kanyang magandang tinig. Mahirap mahuli ito sapagkat nakaaantok ang kanyang tinig at nagiging bato ang sinumang matamaan ng kanyang ipot.
Maraming mga aral na importante sa buhay ng bawat tao ang matutunan sa pagbabasa ng Ibong Adarna. Ang kwento ay tungkol sa isang matapang na Prinsipe gagawin ang kahit ano para sa kanyang pamilya. Dito mapapatunayan kung hanggang saan at ano ang kaya mong gawin para sa sa taong iyong minamahal. Handa kang masaktan at masugatan mapasaya mo lamang ang minamahal mo. Sa kwentong ito, pinapatunayan din kung hanggang saan ang kaya mong ibigay na tiwala para sa isang tao. Pag binigyan ka ng isa pang pagkakataon o oportunidad, gawin mo na lahat ng makakaya mo para mapatunayan ang iyong ninanais.
Ilan sa mga reaksyon at repleksyon sa Kwento ng Ibong Adarna
- Sa Ibong Adarna makakaramdam ka ng iba’t ibang klase ng emosyon, may masaya, malungkot, nakakatawa at nakakakilig habang binabasa ang kwento, tunay nga na “makakrelate ka” dahil kung pagaganahin mo ang iyong malawak na imahinasyon, aakalain mong parang ikaw mismo ang nakakaranas ng mga pangyayari sa kwento, at ikaw ang pangunahing tauhan dito.
- Napakahalagang pag-aralan ang kwento ng Ibong Adarna lalung-lalo na sa mga kabataan dahil nga sa mahahalagang aral na maaring magamit sa pang-araw araw na buhay at mga aral na makakapagpabago ng kanilang mga pananaw sa buhay.
- Dito mo makikita ang realidad ng buhay. Hindi parating masaya at mapayapa, darating at darating pa rin tayo sa mga panahon na haharap tayo sa mga pagsubok at suliranin na magpapatatag sa ating pagkato. May mga pagkakataong na nagawa mo na lahat ang iyong makakaya ngunit nabigo ka pa rin, per normal lang ang mabigo, kasama ito sa hamon, laban lang at tumayo pag nadadapa.
- Minsan pa nga humahantong ka na sa puntong hindi mo na naisisip ang tama at nakagagawa ka ng mali na hindi mo naman sinasadya, dahil sa may nagtutulak sa iyo kagaya ng nangyari kina Don Pedro at Don Diego sa kwento. Mayroon din namang tao na kahit nabigo na, purisigido pa rin silang solusyunan ito at gawin iyon sa tamang pamamaraan. Tatanggapin nila kung nagkamali sila at paghuhugutan ito ng lakas para ipagpatuloy ang paghahanap ng solusyon sa problema na ito. Madalas ang mga taong ganito ang nagiging masaya at nakakakamit ng tagumpay.
- Pero gaya nga ng sabi nila nagbabago ang tao at dapat matuto tayong magpatawad. Sa lahat ng mga mali nating nagawa, ang lahat ng ito ay may kaakibat ito na parusa at dapat handa tayong harapin at pagbayaran ang ating mga kasalanan at siguraduhin na hindi na uulitin pa. Ang mahalaga natuto tayo sa mga pagkakamali at itama anumang kamalian ang nagawa nang dahil sa pagmamahal hindi lang sa iniibig gayundin sa iyong pamilya.
Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa mga link na nasa ibaba:
Mga Tauhan sa Ibong Adarna: brainly.ph/question/112864
Buod ng Ibong Adarna: brainly.ph/question/1425256
#LearnWithBrainly