Gumawa Ngsinopsis Ng Alamat Ni Prinsesa Manorah Buod Na May Sinopsis. Salamat Sa Sasagot…

gumawa ngsinopsis Ng alamat ni prinsesa manorah

buod na may sinopsis.
salamat sa sasagot.​

Answer:

Si Kinnaree Manorah ay ang bunso sa pitong anak nina Haring Prathum at Reynang Jantakinnaree. Sila ay nakatira sa maalamat na kaharian ng Bundok Grairat. Ang pitong magkakapatid ay kapwa mga kinnaree o kalahating tao at kalahating swan. Sila’y nakakalipad at nagagawang itago ang mga pakpak kung kanilang naisin. Sa loob ng kanilang kaharian ay nakatago ang Himmapan, isang kagubatan na kung saan ay naninirahan ang iba’t ibang mga nilalang na di makikita sa daigdig ng mga tao. Sa Himmapan din nakakubli ang magandang lawa na kung saan ay madalas dalawin ng pitong prinsesa lalo na sa araw ng Panarasi o kabilugan ng bwan. Sa di kalayuan ng lawa ay nakatira ang isang ermitanyong nagsasagawa ng meditasyon.

Isang araw, naligaw ang isang binata na si Prahnbun sa kagubatan ng Himmapan. Doon nya nakita sa ilog ang pitong prinsesa. Nabighani sya sa taglay na ganda ni Prinsesa Manorah. Naisip nya na kung mahuhuli nya si Manorah at maiuuwi ito kay Prinsipe Suton ay tiyak na matutuwa ito.

Ngunit di tiyak ni Prahnbun kung paano nya mahuhuli ang prinsesa kaya’t humingi sya ng tulong sa ermitanyo.

Agad syang nagtungo sa ermitanyo at sinabihang mahihirapan syang mahuli ang Prinsesa sapagkat ang mga kinnaree ay agad na lumilipad kapag tinatakot. Nag suhestiyon ang ermitanyo na may dragon na nakatira sa sulok ng gubat na maaring makatulong sa binata.

Agad na lumisan si Prahnbun upang mahanap ang dragon. Hindi pumayag ang dragon sa balak ng binata ng sabihin nito ang pakay bagkus ay binigay nito ang makapangyarihang lubid na makakatulong sa panghuhuli ng binata sa isang kinnaree.

See also  Mga Nais Malaman Tungkol Sa Mitolohiya​

Nagpasalamat ang binata at agad na nagtungo sa ilog kung saan naroroon si Prinsesa Manorah. Habang abala sa paglalaro ang mga kinnaree ay inihagis ni Prahnbun ang lubid at matagumpay na nahuli si Manorah. Bagamat naawa ang ibang kapatid ni Manorah ay wala itong nagawa at agad na nagsilipad dala ng takot.

Itinali ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang di makalipad at agad na naglakbay upang maibigay kay Prinsipe Suton.

Si Prinsipe Suton ay naglalakbay din noon ngunit nakasalubong nito si Prahnbun na dala dala si Prinsesa Manorah. Doon pa lamang ay naakit na agad ang prinsipe sa ganda ni Prinsesa Manorah.

Doon ay nalaman ni Suton ang dahilan ni Prahnbun kung bakit nito hinuli si Manorah.

Nagbalik ang prinsipe ng kanilang palasyo na kasama na si Prinsesa Manorah na kung saan ay umusbong ang pag-ibig nila sa isa’t isa.

Nang sabihin ng prinsipe sa kaniyang mga magulang ang buong pangyayari ay agad-agad nagbalak na magsagawa ng kasal para kina Prinsipe Suton at Prisesa Manorah. Bumalik sila sa palasyo kung saan isinagawa ang kasal sila’y at namuhay ng matiwasay.

Explanation:

Ano ang Sinopsis? Ang sinopsis ay maikling pagbubuod ng balangkas ng isang nobela, pelikula, dula, atbp. A synopsis is a brief summary of the plot of a novel, motion picture, play, etc. Madalas humihingi ang mga guro ng sinopsis ng kung anong aklat.

Gumawa Ngsinopsis Ng Alamat Ni Prinsesa Manorah Buod Na May Sinopsis. Salamat Sa Sasagot…

Sinopsis.docx. Gumawa ng lagom o buod tungkol sa, ang tindera. Sinopsis o buod halimbawa

Halimbawa Ng Sinopsis.doc - Panuto. Pumili Ng Panonooring Episodo O

halimbawa sinopsis dokumentaryo palabas telebisyon pumili

Buod ng ibong adarna. Israbi maikling nobela halimbawa buod. Mga halimbawa ng sinopsis buod

See also  Ano Pong Halimbawa Ng Dula Ng Singapore ?

Mga Halimbawa Ng Sinopsis Buod - dehalimba

Halimbawa ng sinopsis o buod – halimbawa. Sinopsis o buod by arman mangilinan. Gumawa ng lagom o buod tungkol sa, ang tindera

Mga Halimbawa Ng Lagom O Sinopsis - dehalimba

Halimbawa ng sinopsis o buod. Mga halimbawa ng lagom o sinopsis. Israbi maikling nobela halimbawa buod

Sinopsis Buod

buod sinopsis

Halimbawa ng sinopsis o buod. Buod ng ang ama ni kaligirang pangkasaysayan el filibusterismo brainly. Kalikasan ng sinopsis

GR12 Pagsulat SA Piling Larangan - L3 Sinopsis AT Sintesis - SINOPSIS

Kasaysayan ng maikling kwento buod. Halimbawa ng buod ng kwento. Mga halimbawa ng lagom o sinopsis

sa pagsulat ng buod o sinopsis iwasang magbigay ng - Brainly.ph

Halimbawa ng sinopsis o buod. Halimbawa sinopsis dokumentaryo palabas telebisyon pumili. Ng adarna ibong halimbawa buod nobela brainly filipino tulang israbi bilang