Ano-ano Ang Karapatan Ng Batang Pilipino Bakit Mahalagang Malaman Ng…
ano-ano ang karapatan ng batang pilipino bakit mahalagang malaman ng mga bata ang taglay nila ng mga karapatan?
Answer:
Ang Sampung karapatan ng mga bata
1.Karapatan ng bawat kabataan na maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyonalidad.
Karapatan ng bawat kabataan na magkaroon ng tahanan at pamilyang mag-aaruga sa kanila.
Karapatan ng bawat kabataan na manirahan sa payapa at tahimik na lugar.
Karapatan ng bawat kabataan na magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at akitibong pangangatawan.
Karapatan ng mga kabataan na mabigyan sila ng sapat na edukasyon.
Karapatan ng mga kabataan na maunlad ang kanilang kakayahan.
Karapatan ng mga kabataan na mabigyan ng pagkakataon na makapaglaro at makapaglibang
Karapatan ng mga kabataan na mabigyan ng proteksyon laban sa pang-aabuso, panganib at karahasan.
Karapatan ng mga kabataan na maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan
Karapatan ng mga kabataan na makapagpahayag ng kanilang sariling pananaw.
Sino ang may tungkulin upang ibigay sa mga kabataan ang kanilang mga karapatan
Bilang mga magulang o tumatayong magulang ng bawat kabataan tungkulin natin o responsibilidad natin na ibigay ang mga karapatan ng bawat kabataan, kailangan nating iparanas sa kanilang lahat ng ito bilang kabataan responsibilidad natin silang matatanda, ang bawat kabataan na nakaranasa o naibigay ang mga karapatan nila ay di malayong ibigay at iparanas din nila ito sa kanilang mga magiging anak.
Mga pang aabusong dinadanas ng mga kabataan at nalalabag ang kanilang mga karapatan.
Child labor
imbis na nag aaral ang isang bata ay nasasabak na ito sa pagtatrabaho, upang tumulong sa pamilya sa pagbili ng mga pangunahing bilihin sa kanilang tahanan kung minsan panga sa mura nilang gulang ay sila na ang nagsisilbing nagging ama o ina sa kanilang mga kapatid nalalabag ang kanilang mga karapatang makapag aral at makapaglaro.
Pisikal na pang aabuso
ang ilan sa mga kabataan ay nakararanas nito mula,nakalulungkot dahil sa kabila ng kanilang murang katawan ay nakararanas na sila ng ganitong kalagayan.
Pagpapabaya
marami sa mga kabataan ay nakararanas ng pagpapabaya iniiwan o inaabanduna ng kanilang mga magulang nakararanas ng labis na pagkagutom, pagkakasakit at kawalan ng tirahang masisilungan kung kaya tang ilan sa kanila ay natututong mang limos at matulog sa lansangan.
Ang sekswal na pang aabuso
nararanasan ito ng mga kabataang kababaihan maging ng mga kalalakihan,
Answer:
Gawa ako different answers, bhla kayo pumili 🙂
Upang maka siguro sa hinaharap.
Dahil ang buhay ay puno ng sorpresa, maaaring ang sitwasyon na dumating ay tungkol sa karapatan at dahil may alam ka sa karapatan ay
agad na ma solusyonan ang problema.
Karapatan ng isang batang pilipino na malaman ang kanilang karapatan upang ma labanan ang hamon ng buhay.
Karapatan ay mahalagang malaman ng bawat tao dahil ito ay nagiging proteksyon laban sa pag aabuso ng kapwa.
Karapatang malaman ng isang batang pilipino ang kanyang sariling karapatan upang mas mapalawak ang kaisipan niya sa realidad o buhay.